Malolos City Hall (People’s Republica Park) and Malolos Sports and Convention Center

From Wiki Malolos
Jump to navigation Jump to search

Article by: Shiela

Malolos City Hall

[1]


Malolos City Hall (People’s Republica Park)

Binuksan sa publiko and bagong Malolos City Hall noong Nobyembre 2020. Bukas ito Lunes hanggang Biyernes mula 8:00am hanggang 5:00pm. Ang New Malolos City Hall Building ay matatagpuan sa Brgy. Bulihan City of Malolos, Bulacan. [2][3]

Sa harap nito ay ang People’s Republica Park kung saan tampok ang iba’t- ibang makasaysayang atraksyon ng lalawigan. Maipapakita ng mga ito kung paano naging sentro ng Republika ng Pilipinas ang lungsod ng Malolos. Ang engineer nito ay si Engineer Rommel Javier mula sa City Engineering Office. Batay sa kanyang disenyo, maipapakita ang ilan sa mga simbolo kung paano naging sentro ng Republika ng Pilipinas ang Lungsod na ito.[4]

Monumento ni Heneral Isidoro Torres ang sentro ng mga disenyo sa People’s Republica Park. Si Torres, na ipinanganak sa Barangay Matimbo dito, ay nanguna sa mga rebolusyon laban sa mga Kastila sa Bustos at San Miguel, Bulacan noong 1896 at sa Macabebe, Pampanga noong 1898. Nagkaroon ng mahalagang papel si Torres kung sa paano naging lugar ang Malolos ng pagbubukas ng seremonya ng Unang Kongreso, at ang pagbalangkas ng unang Konstitusyon hanggang sa inagurasyon ng Unang Republika ng Pilipinas. Ang Parke ay may laki na 3,486 square meters at ito ay bahagi ng 10- ektaryang property ng Malolos City Government. [5]

Malolos Sports and Convention Center

Malolos City Hall

[6]

Ang Malolos Sports and Convention Center ay matatagpuan sa McArthur highway Brgy. Bulihan. Mayroon itong kapasidad na 5,000 seats. Ito ay isang stadium, arena, and Sports Venue. Ito rin ay nasa tabi lamang ng Municipal Hall ng Malolos at PNP. Ang nasabing lugar ay bukas mula Lunes hanggang Sabado 5am hanggang 7pm.[7][8]

Ito ay isang lugar kung saan ginaganap ang ilang sports competition, workshop, o mini concerts. Maaari rin magdaos ng malaking kaganapan sa labas sa may parking lot dahil sa malawak nitong espasyo na maaring mag laman ng maraming tao.[9]

Pag sapit ng gabi, ang parking space rin nito ay ginamit bilang night market kung saan makakabili ka ng mga prutas at gulay sa mababang presyo. Ito rin ang babaan ng mga prutas at gulay na galing sa mga karatig na bayan na naani nila. [10]

Ang kaliwang bahagi ng convention ay lugar kung saan maaari kang kumain o mag meryenda. Maraming mga pagpipilian na pagkain na maaari mong bilhin. Mula sa mga streetfoods tulad ng quail egg, fishball, hotdog, hanggang sa mga drinks katulad ng milktea, iba’t-ibang uri ng pares at iba pa na mga pagkain. [11]


External links: